PDEA at PPA lumagda sa isang memorandum of agreement para palakasin ang pagtutulungan laban sa drug smuggling

Magtatatag na ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng mga opisina sa 13 pangunahing pantalan sa bansa para bantayan ang drug smuggling.

Sa isang seremonya, lumagda sa Memorandum of Agreement (MOA) ang PDEA at Philippines Port Authority (PPA) para palakasin ang pagtutulungan para sa joint investigastion laban sa paggamit sa mga pantalan na bagsakan ng malalaking volume ng illegal drugs at controlled chemicals .

Pangunahing tungkulin ng PDEA na maglatag ng strategic surveillance and monitoring system para ma-detect ang shipment ng illegal drugs at controlled chemical.

Nasa 70% ng populasyon ng bansa ay naninirahan sa coastline na posibleng maging market sakaling maipuslit ang mga drug-related na kargamento. | via Rey Ferrer