PDEA at Chinese counterpart nito, tiniyak ang pagtutulungan para labanan ang illegal drugs sa bansa – PDEA Dir. General Aquino.

Kapwa nangako ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ang Chinese Counterpart nito na patatagin ang kanilang partnership para labanan ang ilegal na droga sa bansa.

Ito’y kasunod ng pagkakadiskubre ng shabu at ecstacy laboratory sa Batangas at Malabon City, na pinatatakbo ng Dragon Wu drug syndicate

Sa news briefing, binanggit ni PDEA Director General Aaron Aquino, ang Office of the National Narcotics Control Commission, Narcotics Control Bureau ng Ministry of Public Security, People’s Republic of China ang nagbibigay ng intellegence report sa PDEA, kaya nadiskubre ang operasyon ng sindikato.

Base sa impormasyon, ang Dragon Wu drug syndicate na nag-ooperate sa bansa ay konektado sa Golden Triangle International Drug Syndicate na naka base sa Hongkong, na may operasyon sa Mynmar, Laos at Thailand.

Tiniyak pa ni Aquino, na mayroon pang minamanmanan ang PDEA na iba pang lutuan ng ilegal na droga sa iba pa pang lugar na konektado sa nabuwag na operasyon sa Batangas at Malabon City.

Sa panig naman ni Ms. Shen Yue, ang Director for Operations ng Office of National Narcotics Control Commission, Narcotics Control Bureau Ministry of Public Security ng China, kanyang tiniyak ang kooperasyon ng bansang China sa Pilipinas sa pagsugpo sa ilegal na droga.

Nilinaw din nito na hindi lahat ng Chinese looking individuals ay masamang tao. | via Rey Ferrer