PCSO, bukas sa pag-alis ng mandatory contribution, tax imposition sa kita ng ahensya

Pag-aaralan ng ilang mambabatas ang posibilidad ng pag-alis sa mandatory contribution at tax imposition sa kita o revenue ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Sa pagsalang ng ahensya sa budget hearing, lumalabas na ang kita ng PCSO ay pinagkakasya sa pang pondo para sa charity programs, mandatory contribution, prize fund at operationg fund.

Budget Briefing of the Committee on Appropriations (Philippine Charity Sweepstakes Office)

Posted by House of Representatives of the Philippines on Thursday, August 22, 2019

Ayon kay Negros Oriental Rep. Arnulfo Teves, mas makabubuti kung alisin na lang ang mandatory contribution ng PCSO o pondo na ibinibigay sa dalawamput apat na ahensya at organizations.

Ayon kay PCSO Gen. Manager Royina Garma, kung maaalis ang mandatory contribution at tax imposition, mas maraming benepisyaryo ng kanilang charity program ang matutulungan.

Ang 30 percent ng kabuuang kita ng PCSO ay inilalaan sa charity fund, tulad ng Indigent Medical Assistance Program, pero may buwis pang ibinabawas dito.

Kaya mula sa ₱19,000 na tulong kada indibidwal ay nasa ₱16,000 na lamang ang kanilang naibibigay.

Suhestyon tuloy ng ibang mambabatas, rebyuhin ang batas na bumuo sa PCSO, para sumentro na lamang ang pondong inilalabas nito para sa kanilang charity programs.