PCOO Sec. Andanar, naniniwalang mananalo si Mocha Uson kapag kumandidato para sa mid-term elections

Naniniwala si Philippine Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar na malaki ang tsansa ni Mocha Uson na manalo sakali’t tumakbo ito sa susunod na taong eleksiyon.

Pahayag ito ng Andanar sa harap ng posibilidad na kumandidato ang dating PCOO official sa Senado o Kongreso.

Sinabi ni Andanar na noong mga panahong lumutang ang pangalan ni Mocha bilang isang posibleng  maging kandidato sa pagka-senador, ay naniniwala na siyang makakalusot ito at papasok sa mga listahan ng mananalo.

Pagtiyak ng kalihim na kung anuman ang plano ng kanyang dating kasama sa PCOO na gawin bilang isang artist, political blogger o maging politiko, susuporta siya dito.

Sa ngayon ay wala pa ring nababanggit si Andanar na posibleng makapalit sa iniwang puwesto sa PCOO.   | ulat ni Alvin Baltazar