PCOO, makikipagpulong sa UN, EU kaugnay sa media security, EJK sa bansa

Dadalhin ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ang press freedom caravan sa United Nations (UN) at European Union (EU).

Ayon kay Communications Secretary Martin Andanar, isang delegasyon ang pinaplano nilang ipadala kasama na ang Armed Forces of the Philippines (AFP), gayundin ang lahat ng miyembro ng Executive Order 70.

Inihayag ni Andanar, na layon ng pagsasagawa ng press freedom caravan sa UN at EU na maipaliwanag ang mga polisiyang ipinapatupad sa Pilipinas kung pag-uusapan ay ang pagbibigay proteksiyon ng mga nasa media.

Idinagdag ni Andanar, na kabilang din sa nasabing caravan ay ang mabigyang diin na wala talagang extra judicial killings na nagaganap sa Pilipinas.

Posibleng sa Bosnia, Brussels o Switzerland, mangyari ang pulong sa United Nations at European Union.

Sa kasalukuyan ay tuloy-tuloy ang press freedom caravan ng PCOO sa iba’t ibang lugar sa bansa sa harap ng target na mapalakas din ang ugnayan ng pamahalaan at media, na epektibong makakatulong ani Andanar sa mabilis na pagpapalaganap ng mga programa ng administrasyong Duterte. | ulat ni Alvin Baltazar