PCOO, hinikayat ang mga nasa media na bumuo ng isang koalisyon 

Hinikayat ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar ang mga nasa larangan ng pamamahayag na bumuo ng isang koalisyon.

Sinabi ni Andanar na sa pamamagitan ng isang koalisyon na bubuuin ng mga kagawad ng media, madaling maipararating ng mga mamamahayag ang kanilang concern o anumang problema at isa na rito ang patungkol sa regularisasyon.

Binigyang-diin pa ni Andanar na sa pamamagitan ng paglikha ng koalisyon ng media organization, magsisilbing mabisang paraan din ito para mauwi sa pagbuo ng isang lehislatura na kung saan, sesentro sa kapakanan ng mga nasa pamamahayag ang lalamanin nito na maaaring idulog sa mga mambabatas.

Halimbawa na dito ang mga usapin na may kinalaman sa pasuweldo at health care ng mga reporters.

Mungkahi pa ng PCOO chief, pwedeng tawaging ATIN ang media group na ang ibig sabihin ay Alliance for Truthful Information.   | ulat ni Alvin Baltazar