PCG, nakahandang gamitin ang pinakamalaking barko

Dumating na ang pinakamalaking barko ng Philippine Coast Guard (PCG) sa bansa. Ito ay ang BRP Gabriela Silang.

Ayon kay PCG Commandant, Admiral Joel S. Garcia, gagamitin ang BRP Gabriela Silang bilang transport ship sa mga medical supplies tulad ng PPE at mga gamot upang makarating ang mga ito sa mga health workers at iba pang frontliners sa mga regional hospitals sa malalayong lugar sa bansa.

Gayunpamana, sinabi ni Admiral Garcia na handa rin ang PCG na gamitin itong offshore patrol vessel biangĀ  quarantine ship kung hihingin ng pagkakataon.

Una rite, tiniyak ng PCG ang pagbibigay ng seguridad sa 2 quarantine ships para sa mga repatriated na pinoy, ang MC St. John Paul II at MV St. Anthony de Padua na kasalukuyang nakadaong sa port area ng Maynila.

Ang mga barko ay nakatakdang gamitin ngayong Linggo sa pag-uwi ng 400 Pilipino sa bansa.