Payo ni Pangulong Duterte sa Papua New Guinea, huwag ibibigay ang mga lupain sa multinational companies

Pinayuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga  lider ng Papua New Guinea, na huwag padadala sa buyo at malalaking alok ng mga multinational company para mapasa kamay nila ang ilang lupain sa naturang bansa.

Ginawa ng Pangulo ang paghikayat sa harap ng potensiyal ng Papua New Guinea na mapagyabong nito ang agrikuluturang yaman at laki ng mga lupain nito.

Sabi ng Pangulong Duterte, nagsisimula nang pumalo ang agricultural development ng PNG kaya sana lang ay huwag pasilaw sa posibleng malalaking alok ng mga kumpanya na nagkaka interes ng kanilang pag-aaring lupa.

Binigyang diin ng Chief Executive, na isang ideal land area ang Papua New Guinea para sa palay cultivation.

Banta ayon sa Pangulo ang multinational na mga kumpanya sa food crop production ng Papua New Guinea, sakali at makuha nito ang mga lupain ng PNG. | ulat ni Alvin Baltazar