Patuloy pang pagdagsa ng mga bakuna sa bansa, nagbibigay ng pag-asa sa gitna ng patuloy na laban sa COVID-19 — Pres. Duterte

Positibo si Pangulong Rodrigo Duterte na tanaw na ang liwanag bagama’t naririto pa ang COVID-19.

Sa mensahe ng Pangulo sa symbolic vaccination sa Lunsod ng Pasay, sinabi nitong sa pagdating ng mas maraming pang bulto ng vaccine ay kaalinsabay nito ang mas marami pang mababakunahang mga Pilipino.

Bunga ito ayon sa Pangulo ng pagsisikap ng national government na matiyak na magkakaroon ng sapat na bakuna ang bansa.

Kaalinsabay nito’y inihayag ng Pangulo na ang pagbabakuna lamang ang tanging paraan para magupo ang pandemya.

Dapat din aniyang alalahanin na kailangan pa ring i-obserba ang
minimum public health standards sa pamamagitan ng pagsusuot ng face mask, paghuhugas ng kamay, at mag-practice ng social distancing.