Pasya ni Pangulong Duterte na kumalas sa Rome Statute ang Pilipinas, bahagi ng Constitutional mandate ng Presidente

Nakapaloob sa Constitutional mandate ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naging hakbang nitong pagkalas sa Rome Statute.

Ito ang binigyang-diin ni Chief Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo sa gitna ng nais ipalabas ng International Commission on Jurists na nangangamba lang ang Presidente na sagutin ang mga katanungan hinggil sa extra judicial executions kaya ito nag-withdraw.

Ayon kay Panelo, ang pagkalas ng Pangulo ay bahagi ng mandato nito sa pagsusulong ng foreign policy na nakasaad sa Section 7, Article 2 ng 1987 Constitution.

Ang patuloy namang panggigiit sa kabilang banda ng ICC na saklawan nito ang soberenya ng bansa ay pagpapakita lang ani Panelo na hindi ito rumerespeto sa karapatan ng state members nito partikular sa aspeto ng foreign independence.

Ito, ayon sa Chief Legal Counsel, ay isang malinaw na pangingialam at paglabag sa Konstitusyon ganundin sa ating domestic laws. | via Alvin Baltazar