Passive Income & Financial Intermediary Taxation Act, lusot na sa Kamara

Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa sa Mababang Kapulugan ang House Bill 304 o ang Passive Income and Financial Intermediary Taxation Act.

Sa botong 186 affirmative, anim na negative at dalawang abstention ay tuluyan nang nakalusot sa Kamara ang PIFITA na siyang ikaapat na package sa isinusulong na Comprehensive Tax Reform Package (CTRP) ng pamahalaan.

Sa ilalim nito gagawing simple, patas, efficient at regionally competitive ang pagbubuwis sa mga financial institutions.

Samantala, ang package 2 naman ng CTRP na Corporate Income Tax and Incentives Reform Act (CITIRA) ay naaprubahan din kahapon sa ikalawang pagbasa.  Layon naman nitong babaan ang corporate income tax at alisin ang ilan sa mga fiscal incentive na ibinibigay sa mga kumpanya.