Passengers ng inbound int’l flights sa NAIA, may initial assessment bago mag COVID-19 test

Sasailalim sa initial assessment ang lahat ng magbabalik na overseas Filipino workers (OFWs) sa bansa bago i-test para sa coronavirus disease (COVID-19).

Sa isang statement, sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na pangungunahan ng medical authorities ang assessment na siyang tutukoy kung dadaan pa sa COVID-19 test ang mga balikbayan.

Dadalhin ang makukuhang samples mula sa isinagawang PCR test sa certified laboratories.

Ipinaliwanag din ni Foreign Affairs Assistant Secretary Eduardo Meñez, na sasagutin ng PhilHealth ang package amount ng serbisyo ng testing laboratories.

Maaari naman aniyang magsilbing source ng pagbabayad ang Overseas Workers Welfare Administration, kaya libre ang serbisyo sa OFWs.

Kabilang sa 26 na government COVID-19 testing laboratories ay ang Chinese General Hospital, Lung Center of the Philippines, Makati Medical Center, Research Institute for Tropical Medicine at ang Philippine National Red Cross Headquarters sa Mandaluyong.