Pasok sa mga pampublikong paaralan, irerekomenda na ng PAGASA bukas

Gaganda na ang magiging lagay ng panahon bukas.

Ito ang tiniyak ng PAGASA Weather Bureau base sa huling forecast.

Sinabi ni Weather Forecaster Denison Estareja, tuluyan ng hihina ang bagyong Tisoy habang ito ay tumatahak sa West Philippine Sea.

Aniya, inaasahang lalabas ng Philippine Area of Reposibility (PAR) ang bagyo sa Huwebes ng alas-11 ng umaga, pero hihina ito at magiging low pressure area na lamang.

Mula noong Lunes ay nagkansela na ng klase sa mga pampubliko at pribadong paaralan ang maraming lugar sa bansa dahil sa bagsik ng bagyong Tisoy.