Pasig LGU, nakapag-deploy na ng higit sa 48,000 COVID vaccines

Aabot na sa 48,696 ang kabuuang bilang ng mga bakunang nagamit, sa tuloy-tuloy na pag-arangkada ng COVID-19 vaccination sa Lungsod ng Pasig.

Batay sa vaccination report ng local government, nitong May 11, mayroon nang 34,478 na Sinovac vaccines at 14,218 na AstraZeneca ang nai-administer sa lungsod.

Mula naman dito, higit 44,000 na ang nakatanggap ng unang dose habang 4,494 na rin ang fully vaccinated.

Pinakamalaking bilang ng nabakunahan sa lungsod ay mga senior citizen na nasa 21,680 na, habang nangunguna naman ang mga A1 priority category o health workers sa may pinakamaraming naturukan na ng 2nd dose.

Patuloy namang umaasa ang lokal na pamahlaan, na madagdagan pa ang alokasyon nito ng bakuna mula sa national government ng hindi maantala ang vaccination program.