Partnership ng LGUs, Nat’l Gov’t, mahalaga para sa mga problema sa sektor ng paggawa – Palasyo

Ginagampanan ng local government units (LGUs) at national government ang mahalagang papel sa pagtugon ng mga problema ng bansa sa sektor ng paggawa.

Ayon kay Secretary to the Cabinet Karlo Nograles, magagawang sabayan ng LGUs ang effort ng pamahalaan sa pagtugon sa unemployment at underemployment sa bansa, sa pamamagitan ng tamang implementasyon ng mga job-generating program, tulad ng Public Employment Service Office (PESO).

Kinikilala aniya ng pamahalaan na sa paglago ng populasyon, kailangang i-sustain at i-improve ang job generation efforts ng pamahalaan.

Sinabi pa ni Nograles, na kung kapwa magiging committed ang pamahalaan at LGUs sa pag ganap ng kanilang responsibilidad ay magtatagumpay ang pamahalaan na i- address ang problemang ito sa paggawa, na isang malaking bagay upang pababain ang kahirapan sa Pilipinas.