Parking o pagsisingit ng pondo sa 2020 National Budget, walang puwang sa Kamara — House Speaker Cayetano 

Pursigido ang Mababang Kapulungan ng Kongreso na maipasa on-time ang 2020 National Budget.

At para hindi na maulit ang ‘budget impasse’ tulad ng nangyari noong 2019 budget, titiyakin ng Kamara na walang anumang singit na pondo ang makakalusot sa kanilang pagbusisi.