Panukalang Pederalismo, i-aakyat na sa Cabinet level Inter-Agency Task Force — DILG

Tuloy pa rin ang pagsusulong ng pamahalaan sa panukalang pagpa-palit ng porma ng gobyerno patungong Pederalismo.

Sa budget briefing ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Kamara, hiningan ni Cagayan de Oro Representative Rufus Rodriguez and DILG ng update hinggil sa itinatakbo ng binuong Inter Agency Task Force on Federalism.

Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, tinatapos na lamang nila ang pagkalap sa rekomendasyon ng iba’t ibang ahensya bago i-akyat sa Cabinet level Inter-Agency Task Force.