Panukalang pagtatatag ng Boracay Development Authority na tututok sa pangangalaga sa Boracay island, isinusulong ngayon sa Senado

Isinusulong ngayon sa Senado ang panukalang pagtatatag ng Boracay Development Authority na tututok sa pangangalaga sa world class na tourist destination.

Matatandaan na ang pagtatatag ng nasabing Boracay Development Authority ay isa sa mga suhestiyon na lumabas sa naunang pagdinig ng Senado  hinggil sa pagkasira ng kalikasan sa naturang tourist destination.

Sa panayam kay Senadora Villar na Chairperson ng Senate Committee on Environment and Natural Resources, sinabi niya na hindi na tututok ang kanilang ikalawang pagdinig sa isyu  kung isasara ba ang isla ng Boracay kundi sa pagtatatag na ng Boracay Development Authority.

Aniya, kanilang ipauubaya na sa Ehekutibo ang pagpapasya kung dapat nga bang isara ang Boracay at sesentro na lamang sila sa paggawa ng batas para sa pagtatatag ng nasabing bagong ahensya. | via Jojo Ismael