Panukalang P12.3-B budget ng Pasig para sa 2021, naisumite na sa City Council

Kinumpirma ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig na naisumite na sa City Council ang panukalang budget ng lungsod, para sa taong 2021 na nagkakahalaga ng P12.3 bilyon.

Gaya ng 2020 budget, malaking bahagi umano ng pondo ang ilalaan sa health services kasama na ang budget para sa patuloy na medical response laban sa COVID-19 pandemic.

Kabilang din sa priority allocations sa ilalim ng panukalang pondo ang edukasyon, pabahay, at iba pang social services.

Naipasa ang panukalang budget sa unang pagbasa at nakatakda itong sumailalim sa deliberasyon sa mga susunod na linggo.