Panukalang National ID System, inaasahang aaprubahan ng Senado sa susunod na linggo – Sen. Lacson

Ayon kay Senador Ping Lacson, chairman ng Senate Committee on Public Order and Illegal Drugs, kanyang inaasahang maipapasa nila sa ikatlo at panghuling pagbasa ang panukalang Philippine Identification System Act sa Lunes, sa susunod na linggo.

Aprub na sa pangalawang pagbasa ng Senado, ng walang amendment, ang Senate Bill No. 1738 o ang panukalang Philippine Identification system Act of 2018.

Ayon kay Senador Ping Lacson, chairman ng Senate Committee on Public Order and Illegal Drugs, kanyang inaasahang maipapasa nila sa ikatlo at panghuling pagbasa ang panukalang Philippine Identification System Act sa Lunes, sa susunod na linggo.

Sa panukala, magkakaroon ng National ID na mayroong panghabambuhay na ID number para sa bawat Pilipino at pati sa mga dayuhang naninirahan sa bansa.

Sinabi ni Lacson, na pangunahing may-akda ng panukala, hindi ito pahirap bagkus pampabilis ito ng transaksyon sa gobyerno dahil isang ID na lang ang gagamitin.

Hindi rin umano ito banta sa privacy at sa human rights dahil may kaukulang safeguards.

Makikita lang sa panukalang National ID ay pangalan, kasarian, araw at lugar ng kapanganakan at tirahan, pero magkakaroon ng biometric information gaya ng facial image, fingerprints at kung kailangan ay pati iris scan o kuha ng mata,

Niliwanag ni Lacson na opsyonal o hindi sapilitan ang pagkuha ng National ID na magiging libre, pero mahihirapan ang wala nito sa pakikipagtransaksyon sa gobyerno kung sakali. | via Jojo Ismael