Panukalang magpapaigting sa pangongolekta ng buwis sa POGO, at pagbuo ng Dept. of Migrant Workers and Overseas Filipinos, sinertipikahan na bilang urgent measure

Kinumpirma ng Malacañan na sinertipikahan bilang urgent bill ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Senate Bill No. 2234, o ang panukala na bubuo sa Department of Migrant Workers and Overseas Filipinos.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, sa pamamagitan ng panukalang ito, makapagbibigay ng whole-of-government approach ang pamahalaan sa pagprotekta sa karapatan at pagsusulong ng kapakanan at interest ng mga overseas Filipino.

“To provide a more efficient, whole-of-government approach to protect the rights and promote the welfare and interest of overseas Filipinos.” ani Sec. Roque.

Samantala, sinertipikahan rin bilang urgent measure ang Senate Bill No. 2232 o ang panukala na magpapaigting sa pangongolekta ng buwis mula sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO).

“The Palace confirms that President Rodrigo Roa Duterte has certified as urgent Senate Bill No. 2232, entitled “An Act Taxing Philippine Offshore Gaming Operations, Amending for the Purpose Sections 22, 25, 27, 28 and Adding a New Section 125-A of the National Internal Revenue Code of 1997, As Amended, and For Other Purposes.” pahayag ni Sec. Roque.

Ayon kay Sec. Roque, umaasa ang Palasyo na sa pamamagitan ng hakbang na ito, makakalap ng pamahalaan ang mga kailangan nitong revenues, at upang mas maging mahigpit na ring mabantayan ng pamahalaan ang POGO industry.

“We hope that through this measure we would not only generate the much needed revenues in the country but also place the industry under stricter government oversight.” saad ni Sec. Roque.