Panukalang i-veto ni PRRD ang pork barrel sa Pambansang Budget, suportado ni SP Sotto

Suportado ni Senate President Tito Sotto ang panukala ni Senator Ping Lacson na i-veto ang mga nakasilid na pork barrel sa 2019 Pambansang Budget.

Sa isang panayam kay Sotto, sinabi nito na kung malinaw naman na pork barrel ang nakasingit sa National Budget ay dapat itong i-veto.

Basta ayon sa senate president, ipatutupad lang ng Senado ang mga institutional amendments. 

Aniya, nakasalalay sa bicameral report ni Senador Loren legarda ang kahihinatnan ng Pambansang Budget.

Samantala, iginiit naman ngayon ni Senator Lacson na hindi niya intention na pangunahan ang Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang naging pahayag na dapat na i-veto ng Pangulo ang pork barrel sa budget.

Paliwanag ni Lacson, nais lang niyang matiyak na hindi mapupunta sa bulsa ng mga tiwali at corrupt na opisyal ang kaban ng bayan.  | ulat ni Melany Valdoz