Panukalang Electric Vehicles Act, lusot na sa Joint Committee sa Kamara

Pinagtibay ng House Committees on Energy, Transportation, at Ecology ang substitute bill na nagsusulong sa paggamit ng electric vehicles at pag-develop sa electric vehicles industry sa bansa.

Layunin ng “Electric Vehicles Act”, na makalikha ng trabaho para sa mga local skilled workforce, matiyak ang energy security ng bansa, at maging independent ang transportation sector sa paggamit ng imported fuel.

Hinihikayat din nito ang publiko sa paggamit ng alternative energy at low emission technologies upang maprotektahan ang kalusugan ng mga tao laban sa masamang epekto ng polusyon at greenhouse effect.

Kasama rin sa mga probisyon ang paglalagay ng dedicated parking lots para sa mga electric vehicles gayundin ang mga gasoline stations ay inoobliga na maglagay ng charging stations para sa EVs.

Nakapaloob sa panukala ang pagbuo ng isang Electric Vehicles Board (EVB) na pamumunuan ng kalihim ng Department of Energy (DOE) para sa pagbuo ng mga polisiya at regulasyon ng panukala.

Eligible naman sa tax incentives ang mga importers ng electric vehicles, charging stations at mga kagamitan para sa manufacturing ng mga nabanggit.