Panukala para sa pagbuo ng isang National Unemployment Program, lusot na sa komite sa Kamara

Lusot na sa House Committee on Labor and Employment ang unnumbered substitute bill na layong bumuo na isang National Unemployment Program.

Layon ng panukala na bigyang proteksyon ang mga manggagawa na involuntary na tinanggal sa trabaho upang maiwasan na abusuhin ng mga empleyadong basta na lamang umalis o palipat-lipat ng papasukan.

P40 kada buwan ang ikakaltas sa kanilang sahod bilang kontribusyon.

Sakaling maalis sa trabaho, eligible naman itong makakuha ng P8,000 hanggang P24,000 na benepisyo na maaaring gamitin pantawid habang naghahanap ng bagong trabaho.

Nagkasundo naman ang komite na hindi na gawing compulsory at sa halip ay voluntary na lamang ang pagsali ng government employees at manggagawa sa small business sa naturang programa.

Para naman sa mga self-employed, paghahatian ng indibidwal at ng national government ang kontribusyon.

Required naman ang mga miyembro ng programa na sumailalim sa job searches at job counselling.