Panukala para itaas ang sweldo ng nurses sa pribadong ospital, suportado ni Pangulong Duterte


Susuportahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isinusulong na panukala para sa pagtataas ng sweldo ng mga nurse sa pribadong ospital.

Ang pahayag na ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque ay kasunod ng inihaing House Bill 7569 ni Deputy Speaker Paolo Duterte sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Ayon kay Secretary Roque, tama naman na itaas ang sweldo ng mga private nurse o ipantay sa sweldo ng mga nurse sa pampubikong ospital.

Hindi naman matukoy pa ng kalihim kung sesertipikahan ba ng Pangulo ang panukala bilang isang urgent measure.

“Hindi ko po sigurado kung mase-certify as urgent iyan pero siyempre suportado ng Presidente ang kaniyang anak. At tama naman po iyong bill ‘no, dahil kinakailangan naman talagang itaas ang sahod ng mga nurses sa pampribadong hospital, ipantay man lang mga suweldo ng nurses sa mga pampublikong ospital.” —Secretary Roque.