Panukala na magpapalawig sa One Hospital Command, aprubado na sa komite sa Kamara

Lusot na sa House Committee on Health ang panukala na magpapalakas sa One Hospital Command ng bansa.

Ayon kay Quezon Rep. Angelina “Helen” Tan, may-akda ng House Bill 9633, mahalaga na ma-institutionalize at mapalawak ng scope o sakop ng One Hospital Command System upagn mapaigting ang sistema ng paghahatid ng serbisyong pangkalusugan.

Para mapalakas ang delivery ng health care services sa bansa ay nilalayong itatagang National Patient Navigation and Referral System (NPNRS) para magpapalakas ang province-wide at city-wide health care provider networks sa buong bansa.

Paguugnayin nito ang local government units, hospitals, infirmaries, ibang health facilities, telehealth service providers, local at national government agencies upang ma-maximize o magamit ng lubos ang limitadong resources at maisaayos ang access sa de kalidad na health services 

Bubuo rin ng isang National Patient Navigation and Referral Center (NPNRC) na magbibigay ng link sa Malasakit Centers papunta sa iba’t ibang health facilities upang matiyak na mapoprotektahan sa financial risk ang mga indigent o mahihirap na pasyente.