Panukala na magpapalakas sa field offices ng COMELEC, inaprubahan ng komite sa Kamara

Mabilis na lumusot sa House Committee on Suffrage and Electoral Reforms ang substitute bill para sa pagpapalakas sa field offices ng Commission on Elections o COMELEC.

Sa ilalim ng panukala, magpapatupad ng upgrade at pagbuo ng iba’t ibang posisyon at pagtataas ng sweldo at benepisyo ng mga kawani, na nag-aamiyenda naman sa Section 53 ng Omnibus Election Code.

Agad ding inaprubahan ang substitute bill sa Committee on Appropriations para naman sa funding provisions ng panukala.

Positibo naman ang pagtanggap ng COMELEC Employees Union sa pag-usad ng panukala.

Ayon kay Atty. John Paul Martin, magsisilbing inspirasyon ito sa mga field office at mga empleyado ng COMELEC na lalong pagbutihin ang trabaho at pagseserbisyo lalo na sa nalalapit na 2022 national at local elections.

Oras na maging ganap na batas marami aniyang empleyado ng COMELEC ang makikinabang, lalo na’t kung madagdagan ang sweldong nakukuha ng mga kawani ng poll body na naapektuhan din ng COVID-19 pandemic.