Pantawid Pamilyang Pilipino Program at Pantawid Pasada Program ng gobyerno, maipapamahagi na sa susunod na buwan – Malacañang

Garantisado nang maibibigay sa mga tinaguriang ‘poorest of the poor’ ang ‘unconditional cash transfer program’ ng gobyerno sa susunod na buwan.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nasa 10 milyong pinakamahihirap na pamilya ang mabibiyayaan ng nasabing programa na pinondohan ng P10 bilyong piso.

Sa kabilang dako’y aarangkada na din sa Hulyo ang pagbibigay ng jeepney vouchers o ang Pantawid Pasada program para sa mga tsuper ng pamapasaherong jeep.

P5,000 ang inisyal na ipopondo sa kada nagma-may-ari ng jeep ngunit hindi pa aniya ito pinal gayung dedepende pa aniya sa kung magkano talaga ang makokolekta ng gobyerno mula sa TRAIN Law.

Kaugnay nito’y isinasapinal na din ang listahan ng mga lehitimong tsuper ng mga pampasaherong jeepney na dapat makinabang sa nabanggit na ayuda ng pamahalaan upang hindi na maulit pa ang nangyari sa mga nakaraan na pati ang mga may-ari ng jeep na walang prangkisa at hindi naman lehitimong may-ari ng jeep ay nabigyan din ng subidiya. | ulat ni Alvin Baltazar