Pantapat ng G7 sa One Belt, One Road Project ng Tsina, welcome sa Palasyo

Welcome sa Palasyo ang pahayag ng G7 o ng mga mayayamang bansa sa mundo na tatapatan nila ang One Belt, One Road Project ng Tsina na tinawag ng mga ito na Build Back Better World O B3W initiative.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, maaari namang ikonsidera ang plano ng G7 na tapatan ang One Belt, One Road project ng China.

Ganunpaman, dapat lamang aniya itong paniwalaan kapag naisakatuparan.

Kaugnay nito ay sinabi ni Roque na lahat ng mga proyekto na naibigay ng Tsina ay bahagi ng Kanilang One Belt, One Road project sa Pilipinas.

Pero ayon kay Roque, sana ay mas marami pang magawang proyektong pang-imprastruktura ang China upang mas naging malaki ang maging impact nito sa bansa na kabilang sa kanilang ipinangako sa ating bansa.