Paniningil ng online bank transfer fees, hiniling sa mga bangko na ihinto muna

Nanawagan si Deputy Speaker Bernadette Herrera sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at sa buong banking community para sa moratorium ng paniningil ng online bank transfer fees.

 Partikular na apela ng kinatawan ang pag-waive sa singil sa online bank transfer at iba pang charges.

Paalala nito sa BSP at mg bangko na nasa pandemiya pa rin ang bansa at malaking tulong ang pag alos sa transfer charges lalo na sa Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs). 

Sa pamamagitan din aniya ng pagsuspindi sa online banking fees ay mas mahihikayat ang publiko na gawin ang mga transaksyon online kahit nasa mga tahanan at sa panahon na mas dapat gawin ang social distancing.