Pangulong Rodrigo Duterte, kumpiyansang hindi magtatagumpay ang ouster plot laban sa kanya

Tiwala si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi magtatagumpay ang tinatawag na “Red October” ouster plot laban sa kanya kung walang suporta ng militar.
Sinabi ito ng Pangulo sa isang media interview sa Jolo, Sulu kahapon.
Mensahe pa ng Pangulo sa militar at sa pulisya, kung tingin aniya nila ay hindi siya bagay na maging Presidente ay sabihin lang sa kanya at aalis siya sa pwesto.
Kasabay naman nito ay muling binanggit ng Pangulong Duterte ang ilan sa kanyang mga nagawa para mapalakas ang kakayahan ng militar. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion