Pangulong Duterte, umaming hindi napigilang mapaiyak nang makita ang paglabas ng langis sa dinaluhan nitong oil extraction ceremony sa Cebu kamakailan; Mga nakinabang sa Malampaya, hahabulin

Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na siya’y naluha nang makasaksi sa paglabas ng langis sa dinaluhan nitong natural gas extraction ceremony noong isang linggo sa Alegria, Cebu.

Kwento ng Presidente, ito ang unang pagkakataon na nakakita siya na may lumabas na langis sa teritoryo ng Pilipinas.

Itinago niya aniya ang kanyang pag-iyak sa paraang nagkunwang nagpupunas lang ng kanyang mukha nang siya’y nasa chopper na pabalik ng Davao.

Sa kabilang dako’y naibulalas naman ng Pangulong Duterte ang galit nito sa nangyari sa Malampaya na aniya’y pinakinabangan ng mga tiwali at pinagpasasaan ng mga corrupt.

Hindi aniya siya makapapayag na basta na lang ito palampasin kasabay ng pahayag na ito ay kanyang ipasisiyasat. | via Alvin Baltazar