Pangulong Duterte, tutungo sa blast site na pinangyarihan ng twin explosion sa Jolo, Sulu

Pupunta si Pangulong Rodrigo Duterte sa Jolo, Sulu ngayong araw.

Inaasahang personal na iinspeksiyunin ng Presidente ang blast site sa Our Lady of Mt. Carmel Cathedral sa Brgy. Walled City.

Una dito ay kinundena ng Palasyo ang nangyaring pagpapasabog, kasabay ng pagtiyak na panananagutin nito ang mga nasa likod ng pag-atake.

Sa ngayon ay todo higpit na ang seguridad sa lugar, habang ipinaiiral ang pro-active security measures sa layuning mapigilan ang posibleng pagtatangka pang mga pag-atake ng mga kalaban.

Sa ngayon ay tuloy-tuloy din ang koordinasyon sa pagitan ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP), sa gitna ng ikinakasang imbestigasyon upang matumbok ang mga may kagagawan ng nangyaring twin explosion. | ulat ni Alvin Baltazar