Pangulong Duterte, tutungo bukas sa mga lugar na tinamaan ng bagyong Usman

Nakatakdang pumunta bukas si Pangulong Rodrigo Duterte sa Bicol region na tinamaan ng nagdaang bagyong Usman kamakailan.

Sa press briefing sa MalacaƱang, sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, na nais ng Pangulo na personal na makita ang pinsalang idinulot ng bagyo at makamusta ang mga naapektuhang residente.

Asahan na bitbit ng Presidente ang kailangang ayuda para sa mga naging biktima ng kalamidad.

Kumbinsido naman ang Palasyo na naging sapat ang naging paghahanda ng mga nasa hanay ng lokal na pamahalaan, kaugnay ng naging paghagupit ng nagdaang bagyo.

Sa ngayon ay nasa ilalim ng state of calamity ang Camarines Norte at Albay, habang may mga residente ding pansamantalang nanunuluyan sa mga evacuation center sa Eastern Visayas at Mimaropa. | ulat ni Alvin Baltazar