Pangulong Duterte, tiniyak sa mga local chief executives ang tulong at suporta ng kanyang tanggapan sa susunod na taon

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Local Chief Executive sa buong bansa na mayroon siyang nakatabing ayuda sa mga ito na kanyang ipagkakaloob sa susunod na taon.

Ginawa ni Pangulong Duterte ang garantiya sa gitna ng sapat na pondo mayroon ang pamahalaan na patuloy pa aniyang madaragdagan.

Asahan na ayon sa Pangulo ng mga alkalde na sa 2019 ay kasama silang mabibiyayaan ng tulong mula sa kanya na sadyang ilalaan niya sa mga LGU.

Ginawa ng Punong Ehekutibo ang pangako sa kanyang pagdalo sa general assembly ng League of Municipalities of the Philippines o LMP.

Layun ng naturang pagtitipon na mas palakasin pa ang suporta ng LMP sa isinusulong na Federalism form of government ng Duterte administration. | via Alvin Baltazar