Pangulong Duterte, tiniyak na may mangyayaring eleksyon sa 2019

Tiniyak ng Pangulong Rodrigo Duterte na may mangyayaring eleksyon sa susunod na taon, at tapat ang gagawing halalan.

Iginiit ng Pangulo na walang gagamiting pondo ng gobyerno sa mga kandidato ng mga administrasyon.

Dagdag pa ng Pangulo, kahit kay dating Special Assistant to the President Bong Go na naghain na ng kandidatura para sa pagka-senador, hindi niya ito pahihintulutan.  | ulat ni Eunice Garcia-Langcauon