Pangulong Duterte, tiniyak ang kalayaan ng convicts na tama ang pagkuwenta ng GCTA

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga convict na nakinabang sa GCTA na wala silang dapat na ikabahala kung tama naman ang naging pagkuwenta sa kanilang time allowance.

Ang garantiya ay ginawa ng Presidente sa harap ng nauna na nitong kautusan na bumalik muna sa BuCor ang halos 2 libong mga inmate para sa re-computation ng kanilang sentensiya.

Sabi ng Pangulo, walang anomang magiging problema kung tama naman ang computation at kuwalipikado ang isang inmate para makabenepisyo sa GCTA.

Pero sa hanay ng mga presong ang kaso ay karumal-dumal, ibang usapan na aniya ito ayon sa Pangulo na kailangan niyang pag- isipang maigi.

Dalawang opsiyon ang inilatag dito ng Presidente at ito ay “palayain” sila o di kaya’y ihulog na lang sa Pasig River.

Sa mga ayaw namang magsisuko, sinabi ng Presidente na siguradong tutugisin sila ng puwersa ng pamahalaan.