Pangulong Duterte, sinertipikahang urgent bill ang pagbabawal sa kontraktuwalisasyon

Isang liham ang ipinadala ng Pangulong Rodrigo Duterte kay Senate President Vicente Sotto lll.

Ang liham ay may kaugnayan sa pangako ng Pangulo noon pa mang panahon ng pangangampanya na wawakasan ng kanyang administrasyon ang ‘Contractualization’ sa hanay ng mga manggagawa.

Batay sa sulat na padala ng Chief Executive sa Senate president, hinihiling nito na madaliin ang pagpapatibay sa Senate Bill 1826 na magbibigay garantiya sa Security of Tenure ng mga obrero sa bansa.

Sa ilalim ng Senate Bill 1826, pinagbabawalan ang kontraktuwalisasyon o labor contracting.

Batay sa dokumentong inilabas ng Palasyo, lumalabas na Setyembre 21 pinadala ang liham sa Office of the Senate President at may copy furnish kay House Speaker Gloria-Macapagal Arroyo.  | ulat ni Alvin Baltazar