Pangulong Duterte, sa Davao magpa-Pasko; Mga batang may sakit, inaasahang dadalawin ng Presidente

Sa Davao magdiriwang ng Kapaskuhan si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, wala namang palya na laging sa kanyang itinuturing na comfort zone ipinagdiriwang ng Pangulo ang araw ng Pasko kasama ang kanyang pamilya.

Bukod sa pamilya, asahan din ani Panelo na bibigyan ng Pangulo ng panahon ang mga bata, lalo na ang may karamdaman gaya ng may cancer, gayung napakalambot ng puso ng Presidente sa mga ito.

Napakababaw aniya ng luha ng Presidente sa tuwing nakakakita ng mga batang may sakit at handicapped, kaya’t tiyak aniyang paglalalaanan niya ang mga ito ng kaukulang oras ngayong holiday season.

Ilan lamang ang Southern Philippines Medical Center at ang House of Hope sa Davao ang kabilang sa naging itinerary ng Pangulong Duterte sa mga nagdaang Pasko kung saan, namimigay ng aginaldo ang Presidente, at nakiki-selfie sa mga pasyente at hospital staff. | ulat ni Alvin Baltazar