Pangulong Duterte, posibleng daluhan ang tatlong bilateral meetings sa ASEAN Gathering sa Indonesia

Tatlong bilateral meetings ang maaaring daluhan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ASEAN leaders gatherings na gaganapin sa Bali Indonesia sa loob ng linggong ito.

Sa pulong balitaan sa MalacaƱang, sinabi ni Foreign Affairs Assistant Secretary for ASEAN Affairs Junever Mahilum West na kabilang sa mga nakapilang bilateral meeting ang pagpupulong nina Pangulong Duterte at Indonesian President Joko Widodo.

Tumanggi naman si West na tukuyin ang dalawa pang world leader na maaaring maka-bilateral meeting ng Pangulong Duterte.

Hindi rin tinukoy ni West kung ano ang agenda sa tatlong bilateral meetings.

Nakatakdang umalis papuntang Indonesia si Pangulong Duterte sa Indonesia at inaasahang babalik din ng Pilipinas sa Huwebes. | ulat ni Alvin Baltazar