Pangulong Duterte, pinayuhan ni Chinese Xi Jinping na huwag ng sirain ang gumagandang relasyon ng PH at China

Kasabay ng pagtitiyak ng Pangulong Rodrigo Duterte na puproteksyunan niya ang teritoryo ng Pilipinas sa pamamagitan ng desisyon ng Abitral Tribunal, nagbabala ang China na pagsisimulan ito ng giyera sa pagitan ng bansa at China.

Ayon sa Pangulong Duterte, pinayuhan siya ni Chinese President Xi Jinping na huwag ng sirain ang gumagandang relasyon ng Pilipinas at China.

Dagdag pa rito, hinimok siya ni Xi na pagtuunan na lang nila ng pansin kung paano pa gaganda ang relasyon ng Pilipinas at China.

Ani Pangulong Duterte, sinabihan siya ni Xi na isantabi muna ang ‘The Hague Decision’ dahil posibleng pagmulan ito ng gulo sa pagitan ng Pilipinas at China. | via Keith dela Cruz