Pangulong Duterte, parating ng China mamayang gabi para sa official visit

Mamayang gabi darating si Pangulong Rodrigo Duterte sa Beijing, China para sa pagsisimula ng official visit nito.

Aabot sa 12 ang kasama sa official delegation ng Pangulo na  kinabibilangan nina Executive Secretary Salvador Medialdea, Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teddy Locsin Jr., Defense Secretary Delfin Lorenzana, National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. at Energy Secretary Alfonso Cusi.

Kasama rin sa official delegation sina Secretary Carlos Dominguez ng Finance Department,  Secretary  Ramon Lopez ng Department of Trade and Industry (DTI), Secretary Fotunato dela Peña ng Department of Science and Technology (DOST) at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo.

Kabilang din sa delegasyon si Chairperson Prospero de Vera ng CHED, Philipine Ambassador to China Jose Santiago Sta. Romana at Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero.

Sasalubong naman kay Pangulong Duterte at delegasyon nito sina Chinese Foreign Minister Luo Zhaohui at Chinese Ambassador to the Philippines Jiao Jinhua.