Pangulong Duterte, pangungunahan ang pagdiriwang ng Labor Day sa Cebu

Pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdiriwang ng Labor Day ngayong araw (May 1) sa Mabolo Cebu City.

Kasama ng Pangulo ang ilang cabinet secretaries na kinabibilangan nina Labor Secretary Silvestre Bello III, Trade and Industry Secretary Ramon Lopez, Executive Secretary Salvador Medialdea, iba pang opisyal at si Special Assistant to the President Bong Go.

Highlight sa event ang Trabaho, Negosyo, Kabuhayan (TNK) Job and Business Fair, na magbibigay ng trabaho at livelihood opportunities sa maraming kababayan sa Cebu at karatig lugar.

Kaugnay nito, sinabi ni Secretary Go na mabibigyan ng pagkakataon na makapag-apply ang mga kababayan natin na naghahanap ng akmang trabaho para sa kanilang kakayanan at skills.

Tiniyak din ni Go, na tuloy ang pagsusulong niya na mabigyan ng job opportunities at livelihood ang mayoryang Pinoy, bilang tulong sa mga patuloy na naghahanap ng akmang trabaho para sa kanila.

I

pinagmalaki din ni Go ,na malaki na ang nabawas sa bilang ng mga unemployed Pinoy dahil sa patuloy na pagsisikap ng Duterte administration na makahikayat ng investors sa bansa, kung saan base sa record ng Philippine Statistics Authority, nito lamang January 2018, tumaas ang employment rate sa 94.7% kumpara sa 93.4% noong nakaraang taon.

Maliban sa job fair, isasagawa din sa event ang awarding ng livelihood projects na isa sa mga special program para sa employment ng mga estudyante at government internship program. | via Alvin Baltazar