Pangulong Duterte, pahinga at tulog lang ang gagawin sa kanyang kaarawan bukas

Walang magarbong selebrasyon na mangyayari bukas para sa pagdiriwang ng 73rd birthday ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ayon kay Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go, magpapahinga at matutulog lang ang Pangulo sa kanyang bahay sa Davao City buong araw bukas kasama ang kanyang pamilya at mga apo.

Giit ni Go, noon pa man ay ganito na talaga magdiwang ng kaarawan ang Pangulo, kahit noong siya ay alkalde pa lamang ng lungsod.

Sapat na rin aniya ang dasal para mapasaya ang birthday celebrant.

Hiling naman ni SAP Bong Go sa kanyang adviser, mentor at boss ay isang mahaba at malusog pang buhay para makapagsilbi pa siya ng mas mahabang panahon at ng makapiling pa nito ang kanyang mga mahal sa buhay. | via Nimfa Mae Asuncion