Pangulong Duterte, nilinaw na walang heneral na sangkot sa iligal na droga 

Nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang mga heneral sa hanay ng Philippine National Police (PNP) ang sangkot sa iligal na droga sa bansa.

Ito ang inihayag ng Pangulo sa kanyang arrival speech sa Davao International Airport mula sa kanyang pagbisita sa Russia.

Inamin ni Pangulong Duterte na nalito lang di-umano siya sa nakaraang ranggo ng PNP kung saan inakala nito na heneral ang ranggong superindent.

Paglilinaw nito na saka niya nalaman na nasa ranggong colonel lang ang sangkot sa naturang iligal na aktibidad.

Una nang inihayag ng Pangulo sa isa sa mga talumpati nito sa Russia na may dalawang heneral na patuloy sa paglalaro ng iligal na droga sa bansa.