Pangulong Duterte, nilagdaan ang isang Memorandum Order hinggil sa regulasyon sa paputok

Hindi nagbabago ang paninindigan ng Palasyo tungkol sa usapin ng mahigpit na regulasyon at kontrol sa paggawa, pagbebenta at distribusyon ng mga paputok at iba pang pyrotechnic devices sa bansa.

Sa katunayan, inilabas ng Malacañang ang Memorandum Order No. 31 na kung saan, inaatasan nito ang Philippine National Police (PNP) na pangasiwaan ang implementasyon ng probisyon ng Republic Act No. 7183.

Batay sa itinatakda ng batas, nasa responsibilidad ng PNP ang mahigpit na pagpoproseso sa lisensiya at pagkakaloob ng permit sa mga gumagawa ng mga paputok.

Bukod dito’y bawal ding magbenta ng paputok sa mga menor-de-edad at bagkus, mga nasa edad 18 lamang pataas ang maaaring makabili ng paputok.

Bawal rin ang pag-angkat ng mga paputok gayung ang papahintulutan lamang ay mga locally-made.  | ulat ni Alvin Baltazar