Pangulong Duterte, napanatili ang very good satisfaction rating: Palasyo, nagpasalamat sa patuloy na tiwala ng publiko

Ikinatuwa ng Palasyo ang “very good” net satisfaction rating na +56  na nakuha ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Batay na rin ito sa huling survey na isinagawa ng Social Weather Station (SWS), na kung saan,  ang mga respondents na nasa class A,B,C at D ay very good ang ibinigay na grado sa Pangulo habang good ang mga nasa class E.

Patunay lang ito ayon kay Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque, na hindi nawawala ang kumpiyansa ng publiko sa Punong Ehekutibo.

Magsisilbing inspirasyon ani Roque ng Presidente, maging ng mga miyembro ng gabinete ang patuloy na tiwala ng mamayan upang mas magtrabaho pa ng doble.

Kaugnay nito’y nagpasalamat ang Malacañang sa patuloy na suporta at kumpiyansa ng publiko sa Administrasyon. | via Alvin Baltazar