Pangulong Duterte, nakiusap na huwag siyang tawaging “Ginoong Presidente” o “Mahal na Presidente”

Ayaw magpatawag ni Pangulong Duterte bilang Ginoo o Mahal na Presidente.

Ang hiling ay ginawa ng Pangulo sa kamakailan lamang nitong Talk to the Public matapos na maglatag ng presentasyon sa kanya si Health Secretary Francisco Duque.

Paliwanag ng Pangulo na ang “ginoo” kasi ay may ibang pakahulugan sa mga Bisaya na ang ibig sabihin ay Diyos.

Sa kabilang banda’y ayaw namang ikabit ng Pangulo sa kanyang titulo ang salitang “mahal” dahil lahat naman aniya sila na nagtatrabaho sa gobyerno ay nagmamahalan alang- alang sa bayan.

Mas mabuti pa sabi ng Chief Executive diretso na siyang tawaging President o mas maige ay alkalde na mas masarap aniya sa kanyang pandinig at kung saan siya komportable.