Pangulong Duterte, nakipagpulong kay Chinese Premier Li

Isa pang bilateral meeting ang dinaluhan ni Pangulong Rodrigo Duterte kasunod ng bilateral meeting niya kay President Xi Jinping.

Kahapon ay nakipagpulong ang Chief Executive kay China State Council Premier Li Keqiang.

Mainit ang naging pagtanggap ng nabanggit na Chinese official sa Pangulo, na kung saan kapwa pinahalagahan ng dalawa ang nabuong magandang pagkakaibigan ng Pilipinas at ng China.

President Rodrigo Roa Duterte meets with Chinese Premier Li Keqiang at the Great Hall of the People in Beijing, People‚Äôs…

Posted by Presidential Communications (Government of the Philippines) on Friday, August 30, 2019

Kasama sa mga natalakay nina Pangulong Duterte at ni Premier Li, ay ang isyu sa Code of Conduct sa South China sea.

Dito inihayag ng Pangulong Duterte ang pangangailangang mailatag ang COC, nang sa gayon ay maiwasan ang anomang hindi pagkakaunawaan sa mga pinagtatalunang isla.

Sa panig naman ni Li, inihayag niyang magpapatuloy ang magandang negosasyon ng dalawang bansa na kung saan ay habol dito ang win – win solution.