Pangulong Duterte, nakipagpulong kagabi sa mga Moro leaders

Nagkaharap at nakipagpulong kagabi si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga lider ng Moro sa Davao.

Bukod sa mga Moro Islamic Liberation Front (MILF) leaders, bisita rin ng Pangulo ang mga miyembro ng Bangsamoro Transition Commission  at Government of the Philippines (GPH) panel.

Matatandaan na sa kanyang pagbisita sa Patikul, Sulu kamakalawa, sinabi ng Pangulo na gusto niyang magkaharap sila ng Moro leaders para pag-usapan ang Bangsamoro Basic Law (BBL).

Sinabi ng Presidente na malaking bahagi ang kinalaman ng mga Moro leaders para sa isinusulong niyang Federalismo.

Kasama ng Chief Executive sa ginanap na pulong si Special Assistant to the President (SAP) Bong Go, Office of Presidential Adviser on the Peace Process  (OPAPP) Secretary Jesus Dureza at Presidential Adviser on Legislative Affairs and Head Secretary Adelino Sitoy.

Sa panig ng  MILF ay naroon si Chairman Al Haj Murad, habang si Chair Ghadzali Jaafar at Mohager Iqbal naman ang kinatawan ng Bangsamoro Transition Commission. | via Alvin Baltazar